Miyerkules, Marso 09, 2011

CRAZY LITTLE THING CALLED LOVE

Wala akong ine-expect sa movie na ito. May nagsabi kasi na maganda at medyo interesting ang title kaya sinubukan kong i-search sa youtubehindi ko na pinanood ang trailer... umpisa agad sa simulapara hindi na ako mabitin.

Na-release ito last August 2010 sa Thailandkaraniwan kasi ang alam ko puro horror ang movie sa Thailand kaya parang curious akong malaman kung ano bang meron sa palabas na ito.

Tungkol ito sa first love ni Nam (Pimchanok Lerwisetpibol) isang ordinaryong 14 yrs. old na girl na hindi kagandahan...ugly duckling…kumbaga. May lihim siyang pagtingin kay Chon (Mario Maurer) na sikat sa kanilang school dahil sa gwapo na ay mabait pa. Pinag-aagawan ng mga girls ang atensyon niya at kasama d’on si Nam kahit alam n’ya na wala siyang pag-asa sa dami ng maganda sa school. Pero sa tulong ng kanyang mga mabubuting kaibigan unti-unti siyang nagtransform mula sa ugly duckling to a very pretty girl…as in.

Simple lang ang takbo ng story pero mararamdaman ng manonood ang emotion…lalo na ‘yung kilig. Gusto ko ‘yung positive vibe ng movie dahil naging inspirasyon ni Nam si Chon para i-improve ang sarili at pataasin ang grades n’ya.

Nakakatuwa ang mga bonding moments ni Nam at ng mga kaibigan n’ya. Nakakakilig naman ang moments nila ni Chon pero nakakaiyak ang separation nilang dalawa sa bandang huli.

Sa trailer sinabi na...it’s everyone’s story and I agree with that. It brings back memories of high school days, first crush and first love…dito kasi nangyayari ang mga bagay na kapag binalikan natin sa ngayon eh, tinatawanan na lang natin. Iyong simpleng paghanap ng paraan para makita ang crush o kaya mapalapit dito.

Sa movie, nakakatuwa ‘yung part na nagpaalam si Nam na pupunta ng CR pero ang totoo ay gusto niyang sumilay kay Chon na ang room ay nasa third floor. Maging ung pag-extra niya sa pagkuha ng picture ni Chon sa isang classmate nila na maganda.

Maganda ang kabuuan ng pelikula kaya nga lang medyo bitin ang ending at siguro nga tulad ng ilang mga sinasabi ng mga nakapanood na nito…sana may part 2. Isa na naman ito sa mga napanood ko na walang kissing scene pero ramdam ko ang saya, sakit at kilig na dulot ng first love sa movie.

Sa tingin ko, madadagdag ang mga Thai Movie na tulad nito sa mga aabangan at panonoorin ko sa future dahil na-enjoy ko ng bongga ang pelikulang ito. (*^_^)


Pahabol lang...sa picture na ito ni Pimchanok Lerwisetpibol kahawig niya si Kim Chui. :))

4 (na) komento:

  1. love this movie <3

    nakakainspired :)

    TumugonBurahin
  2. Tomo Very Inspiring tong Movie na toh nung una tnatamad ako panuorin kc wparang di k otipo ung mga ganito hangang sa tawa na kami ng tawa ng mga kabanda ko share lang kc nakakatuwa ang Movie at True to Life pala siya kanina ko lang napanuod at nalaman (:

    TumugonBurahin
  3. mas kamukha ni nam si bianca gonzales ng happy yipee yehey. :)

    TumugonBurahin
  4. hmn i fell in love with the story and i am able to relate to it... sana aq din makahap ng tulad nea haha

    TumugonBurahin